Sunday, November 21, 2021

CBCP pastoral letter on the environment

 Re: 13 Action Points Mula sa CBCP Pastoral Letter ng mga Obispo

 

1.    Bahagi ng turo at pagsasabuhay ng disipulo ni Kristo ang PAGKALINGA NG KALIKASAN bilang ating iisang Tahanan.

2.    Maging SIMPLE ang pamumuhay, bawasan ang pagkonsumo ng mga hindi kaliangn, imulat ang makakalikasang pananaw sa buhay sa pamamagitan ng pahiwa-hiwalay ng nabubulok at di nabubulok na basura, iwasan ang paggamit ng pastik, magtipid sa paggamit ng papel.

3.    Proteskyonan at palaguin ang samu’tsaring buhay (biodiversity) sa pamamagitan ng PAGTANIM ng katutubong (native) pananim at kahoy, palaguin ang kagubatan sa pamamagitan ng rainforestation, tutulan ang mga walang habas na paggawa ng mga kalsada at dam at iba pang proyektong sisira sa kagubatan at mga protektadong lugar.

4.    Palaguin ang magkakaiba at likas kayang AGRIKULTURA. Iwasan ang mag produkong GMO [Genetically Modified Organisms] o maka-siyentipikong pagmamanipula ng genes ng mga pananim na ginagawa sa mga plantasyon. Ito ay sumisira sa biodiversity at nilalagay sa panganib ang kakanyahan ng lupa.

5.    Makiisa sa mga pagsisikap ng mapagngalagaan ang mga ILOG at KARAGATAN.

6.    Protektahan ang ating tubig-kanlungan (WATERSHED) habang ipinapatupad ang matipid na paggamit ng tubig tabang: maramihang pag-iimbak ng tubig-ulan: tutulan ang mga proyektong sumisira ng balanseng ekologiya at sam’tsaring buhay.

7.    Itulak ang mabilisang palipat patungo sa ligtas, malinis at murang ENERHIYA. Siguraduhing makatarunga at pantay ang paglilipat na ito sa renewal energy at tanggihan ang mga huwad na solusyon. Suportahan ang pag-SOLAR ng mga bahay, simbahan at opisiana. Palaguin ang enerhiyang di nauubos tulag ng solar, wind at geothermal power. Magkampanya laban sa mga plantang ginagamitan ng uling o langis. Tutulan din ang pagmimina ng carbon.

8.    Huwag ipagamit ang pera ng mga institusyong Katoliko sa mga COAL-FIRED powerplants at mga proyektong pagmimina na siyang sumisira sa kagubatan.

9.    Maging bahagi ng patuturo ng CLIMATE CHANGE at pagreremedyo nito at ang pagsasbuhay ng Laudato Si sa mga institusyong Katolino maging sa mga eskuwelahan at kabahayan.

10. Hubugin ang mga mamamayan ng sapat na kaalaman at organisahin upnag maipasa ang mga panukalang BATAS tulad ng Rights of Natural Bill, Forest Resources Bill at Alternative Minerals Mining Bill. Igiit ding ipatupad ang Clean Air Act, Clean Water Act at Ecological Solid Waste Management Act sa antas ng mga LGUs sa barangay, bayan at probinsya. Tutulan ang mga pag-aamieyenda ng 1987 Saligang Batas dahil sa panganib nito sa Kalikasan, Katarungan at kapayapaan.

11. Makipagtulungan sa ibang bansa upangmapalakas ang kampanya sa pagkumbinsi sa multinational institutions na ibaba ang kanilang CARBON EMISSION; at sila mismo ay magsagawang makakalikasa ng Gawain upna protektahan an gating iisang tahanan pati ang mga dukha nasa peligro dahil sa mga agresibo ngunit iresponsableng industriya.

12. Kilalanin, irespeto at suportahana ang karapatan ng mga KATUTUBO upang maprotektahan ang kanilang lupaing ninuno at magkaroon sila ng likas kayang pag-unlad.

13. Palakasin ang adaptation measures at risk management and reduction (mga pag-angkop sa kalamidad) ng mga lubos na nanganganib na komunidad. Igiit sa pamahalaan na unahin nito ang pagbabadyet sa mga programang umaangko sa KLIMA.

No comments: