Re: 13 Action Points Mula sa CBCP Pastoral Letter ng mga Obispo
Fr: 2020 Calendar4
1. Bahagi
ng turo at pagsasabuhay ng disipulo ni Kristo ang PAGKALINGA NG KALIKASAN bilang
ating iisang Tahanan.
2. Maging
SIMPLE ang pamumuhay, bawasan ang pagkonsumo ng mga hindi kaliangn, imulat ang
makakalikasang pananaw sa buhay sa pamamagitan ng pahiwa-hiwalay ng nabubulok
at di nabubulok na basura, iwasan ang paggamit ng pastik, magtipid sa paggamit
ng papel.
3. Proteskyonan
at palaguin ang samu’tsaring buhay (biodiversity) sa pamamagitan ng PAGTANIM ng
katutubong (native) pananim at kahoy, palaguin ang kagubatan sa pamamagitan ng
rainforestation, tutulan ang mga walang habas na paggawa ng mga kalsada at dam
at iba pang proyektong sisira sa kagubatan at mga protektadong lugar.
4. Palaguin
ang magkakaiba at likas kayang AGRIKULTURA. Iwasan ang mag produkong GMO [Genetically
Modified Organisms] o maka-siyentipikong pagmamanipula ng genes ng mga pananim
na ginagawa sa mga plantasyon. Ito ay sumisira sa biodiversity at nilalagay sa
panganib ang kakanyahan ng lupa.
5. Makiisa
sa mga pagsisikap ng mapagngalagaan ang mga ILOG at KARAGATAN.
6. Protektahan
ang ating tubig-kanlungan (WATERSHED) habang ipinapatupad ang matipid na
paggamit ng tubig tabang: maramihang pag-iimbak ng tubig-ulan: tutulan ang mga
proyektong sumisira ng balanseng ekologiya at sam’tsaring buhay.
7. Itulak
ang mabilisang palipat patungo sa ligtas, malinis at murang ENERHIYA. Siguraduhing
makatarunga at pantay ang paglilipat na ito sa renewal energy at tanggihan ang
mga huwad na solusyon. Suportahan ang pag-SOLAR ng mga bahay, simbahan at
opisiana. Palaguin ang enerhiyang di nauubos tulag ng solar, wind at geothermal
power. Magkampanya laban sa mga plantang ginagamitan ng uling o langis. Tutulan
din ang pagmimina ng carbon.
8. Huwag
ipagamit ang pera ng mga institusyong Katoliko sa mga COAL-FIRED powerplants at
mga proyektong pagmimina na siyang sumisira sa kagubatan.
9. Maging
bahagi ng patuturo ng CLIMATE CHANGE at pagreremedyo nito at ang pagsasbuhay ng
Laudato Si sa mga institusyong Katolino maging sa mga eskuwelahan at kabahayan.
10. Hubugin
ang mga mamamayan ng sapat na kaalaman at organisahin upnag maipasa ang mga
panukalang BATAS tulad ng Rights of Natural Bill, Forest Resources Bill at
Alternative Minerals Mining Bill. Igiit ding ipatupad ang Clean Air Act, Clean
Water Act at Ecological Solid Waste Management Act sa antas ng mga LGUs sa
barangay, bayan at probinsya. Tutulan ang mga pag-aamieyenda ng 1987 Saligang
Batas dahil sa panganib nito sa Kalikasan, Katarungan at kapayapaan.
11. Makipagtulungan
sa ibang bansa upangmapalakas ang kampanya sa pagkumbinsi sa multinational
institutions na ibaba ang kanilang CARBON EMISSION; at sila mismo ay
magsagawang makakalikasa ng Gawain upna protektahan an gating iisang tahanan
pati ang mga dukha nasa peligro dahil sa mga agresibo ngunit iresponsableng
industriya.
12. Kilalanin,
irespeto at suportahana ang karapatan ng mga KATUTUBO upang maprotektahan ang
kanilang lupaing ninuno at magkaroon sila ng likas kayang pag-unlad.
13. Palakasin
ang adaptation measures at risk management and reduction (mga pag-angkop sa
kalamidad) ng mga lubos na nanganganib na komunidad. Igiit sa pamahalaan na
unahin nito ang pagbabadyet sa mga programang umaangko sa KLIMA.
No comments:
Post a Comment